Sunday, June 21, 2009

Pepe

Sa isang bayan ng Bataan ay maroon mag-asawang hindi biniyayaan ng kahit isang anak. Matagal ng mag kasama sa buhay si Mang Kanor at Aling Pining. Lagi silang nangangarap na magkaroon sila ng kahit na isang anak na lalaki. Magsasaka ang trabahao ni Mang Kanor at si Aling Pining naman ay isang taong bahay lamang. Araw araw nyang pinag sisilbihan si Mang kanor tuwing uuwi ito. Masaya ang dalawa kahit payak ang kanilang buhay. Hindi sila nag hahanap ng kahit na anung bagay dahil kontneto na sila sa kanilang sitwasyon. Pero minsan hindi maiwasang dalawa na mag-salita.

"Mas masaya siguro tayo kung mag kakaroon tayo ng isang supling." Nakangiting may halong lungkot na wika ni Mang Kanor.

Isang araw habang tahimik na nag lalaba si Aling pining sa ilog, ay isang napakaling pakwan ang nakita nyang inaagos patungo sa kanyang pinag pupwestuhan. Nagulat ito ng makarating ito sa kanya. Hindi normal ang laki ng pakwan na nasa harapan nya ngayon. Dali-dali nya itong kinuha at inuwi sa kanilang kubo. Kinahapunan masaya niya itong binalita sa kanyang asawa na si Mang Kanor. Magka-halong tuwa at pagkasabik ang kanilang paghiwa sa malaking pakwan ng hapon na iyon. Subalit nagulat sila ng bigla itong gumalaw mag isa at parang nabibiyak sa gitna.

Tumambad sa kanilang harapan ang isang sanggol. Sanggol na galing sa malaking pakwan na nakuha ni Aling Pinig ng sya ay nag-lalaba sa ilog. Natuwa ang mag asawa sa kanilang nakita. Agad nila itong kinuha at binihisan.

"Kay gawpong bata naman nito Kanor" Sambit ni Aling Pining sa asawa habang nakatitig sya sa malusog na bata.

"Hindi kaya't ito na ang sagot ng Panginoon sa ating hiling?" Tanong ni Kanor.

"Oo tama ka." Masayang tugon ni Aling Pining. "Pepe ang ipapangalan natin sa kanya." Dugtong pa nito.


Lmaki ng mabuting bata si pepe,. Naging katuwang ng mag-asawa ito sa kanilang pamumuhay. Subalit hindi normal ang pagiging isang bata nya. Taglay niya ang isang katangi tanging lakas na kahit sinu man ay hindi magkakaroon. Ganun man magalang ito at masunurin sa kanyang mga nakagisnang mga magulang, hindi nya ito binibigyan ng sakit ng ulo at problema.

Lalong naging kuntento sa buhay ang mag-asawang Pinig at Kanor. Wala na silang mahihiling pa na kahit ano.Masaya sila dahil kahit hindi nila tunay na anak si Pepe, isa itong perpektong bata at mahal na mahal nila ito.

Minsan hindi inaasahang sakuna ang paparating sa kanilang lugar. Isang malakas na buhawi ang parating. Alalang alala ang mag asawa sa sitwasyong iyon. Alam nilang masisira ang kanilang mga pananim at madadamay ang kanilang mga alagang hayop sa bukid. Palapit na ito ng palapit. Ang kanilang munting kubo ay masisira sa oras na lumapit ang buhawing palapit.

Nagulat ang mag-aswa ng biglang tumakbo palabas ng bahay ang kanilang anak na si Pepe. Hinabol ito ni Mang kanor at sa likuran nya si Aling Pining.

"Anak! Wag kang lumapit dyan delikado, huhuhu!!" Umiiyak na sigaw ng Ale. Subalit parang walang narinig ang malapit ng si Pepe. Susundan sana ito ni Mang Kanor subalit hindi niya kinaya ang malakas na hangin. Nakita nila si Pepe na pilit hinaharang ang malakas na buhawi at pilit itong tinataboy sa kanilang kinalalagyan. Nag-liparan ang mga nabunot na puno at dali daling hinakag ni Mang Kanor ang kanyang may bahay papasok sa kanilang tahanan.

Huminto ang malakas na hangin. Naging payapa na ulit sa labas ng kanilang bahay. Wala na rin ang malaking buhawi. Subalit kasabay rin nitong nawala ang kanilang anak na si Pepe. Iyak ng iyak ang mag-asawa. Hindi na nila nakita pang muli ang kanilang anak ,tanging ala-ala na lamang nito ang naiwan sa kanila.

Subalit kahit papano ay naging masaya sila dahil naranasan nila ang mag karoon ng anak. Kahit nawala man ito sa piling nila, nag papasalamat pa rin sila dahil pinahiram sila nito ng anak. :)

0 comments:

Post a Comment