Wednesday, June 24, 2009

Ang Mayabang na Rosas

Sa isang malaking hardin ay may mga nag gagandahang halaman at mga bulaklak. Nabibiliang dito si Rosas na Ubod ng yabang, dahil sa kanyang kagandahan at aking kayabangan ay marami ang sa kanya ay naiinis. Lalo na si Gumamela at ang kapwa bulaklak nito na si Kampupot. Sila Rosas ay matagal ng Nakatanim sa hardin na kasbayan nyang itinanim sina Kapupot at Gumamela. Noon una ay hindi naman sya ganon kaarte at kayabang, ng kumapal ang kanyang mga dahon at nag karoon siya ng mga bulaklak ay nag bago na ang ugali nito at naging mapag mataas na sa ibang kapwa nya bulaklak. Lalo pa't naging pansinin siya ng kanilang tagapag alaga dahil sa kanyang mapupungay na bulaklak.

"Ang ganda ko talaga lalo na kapag ako ay nababasa ng tubig. "

Misang sambit ni Rosas isang umaga matapos silang diligan ng kanilang taga pag alaga.

"Ang yabang mo talaga!"

Paangil naman na sagot ni Gumamela.

"Kung hindi ka lang namin kauring bulaklak baka pinakain ko na ang mga dahon mo sa kaibigan naming uod!"

Maasim naman na singit ni kampupot.

"Inggit lang kayo dahil ako ang pinakamaganda sa inyo. Hmp!"

Pag mamataas pa ni Rosas sa kanila.

Hindi na lamang kumikibo ang ibang mga halaman na naroroon dahil alam nilang mayabang talaga si Rosas, kaya wala itong kaibigang halaman na pumupuri sa kanya.

Minsan isang Paru-paro ang lilipad lipad sa hardin na iyon. Lumapit ito kay Gumamela para sumipsip ng nectar sa bulak-lak nito. Masayang binigyan ito ng halaman.

"Sige lang Paru0-paro sumipsip ka lang para sa iyong pag kain."

Nakangiting wika ni Gumamela.

Sumunod naman ay nilapitan nito si Kampupot na Masayang pinag mamasdan ang lilipad lipad na Paru-paro. Uminom din ito ng Nectar sa iba pang halamang may bulaklak na nandoon sa hardin na iyon. Matapos ay huli nitong pinuntahan ang Rosas. Ng dadapo na ito sa kanyang Tangkay ay biglang sumigaw ang Rosas.

"Ih! Huwag mo nga akong lapitan! At wag kang lalapit sa mga bulaklak ko! Baka masira ang mga talulot nito at pumanget pa ako! Subukan mo lamang at hahampasin kita ng aking mga tinik!"

Ang pagsigaw ng Rosas ay hinid kina tuwa ng Paro-paro. Nag-salita ito at tinitigan sya nito.

"Ang arte mo! Hindi mag tatagal ay malalagas ang mga dahon at bulaklak mo. Mauubos lahat hanggang sa alisin kna ng tagapag alaga mo dito. Hmp!"

Napahiyang iniwan ng Paru-paro ang mayabang na Rosas. Habang sa paligid niya ay nag bubulungan at nag tatawanan ang mga halamang naroroon. Dahil sa pag ka pahiya ng Rosas ay hindi na lamang ito kumibo at tinignan ng matalim ang kanyang kauring halaman. Sabay talikod sa mga ito.

Tuwing hapon ay binibisita sila ng kanilang tagapag-alaga upang alisan ng mga natutuyong dahon sa kanila. Araw araw ay nililinis ang kanilang paligid at sinisinghap singhap nito ang kanilang mga amoy. Dahil sa walang amoy si gumamela ay hindi na ito nilalapitang masyado ng kanilang tagapagalaga. Laging si Kampupot at Rosas lamang ang tinatanuran nito at hinahalikan sa mga bulaklak. Subalit ng hapong iyon ay nag-taka ang mga halaman ng hindi dumating ang kanilang tagapag alaga. At nagulat sila ng may mga lalaking nag punta roon na may dalang malaking paso na nakasupot ng kulay brown na plastic. Takang taka ang mga halaman kung bakit mayroong nagpasok sa kanilang hardin noon. Napaisip tuloy si Rosas at nag-salita.

"Hmm. Alam ko yan isa iyang malaking lalagyan para sa akin. Ilalagay nila ako dyan para hindi ako masira.Ang swerte ko talaga, haha!"

Sabay tawang may halong pangi-inggit sa mga halamang naroon.

Pinag taasan na lamang ito ng sanga at dahon ng iba pag naroroon sabay talikod sa kanya.

Kinabukasan nagising sa pag kakahimbing ang mga nakatanim na halaman sa harding iyon dahil sa pag ka bangong halimuyak na kanilang naamoy. Nuon lang sila nakaamoy ng ganuong halimuyak na hindi nakakasawang amoy katulad ng kay Rosas na lagi nyang ibinibida. Maging ang halamang Rosas ay nagtaka sa amoy na iyon. Hindi nya alam kung saan nanggagaling ang kakaibang halimuyak na hindi naman sa kanya nag mula. Sinundan ni rosas ang amoy kung saan nanggagaling iyon. At nagulat siya ng makita nya ang bagong halaman na naroroon na may puting puting bulalak, at maliliit na talulot ang bumungad sa kanya. Iyon pala ang tinatakpan ng
kulay brown na plastic na nasa malaking paso kahapon ng dalhin ng mga tao iyon sa hardin.

Hindi naka imik ang Rosas ,nakita nyang nakatingin sa kanya ang ibang halaman na naroroon na nakangiti sa kanyang may halong insulto.

Nagising na ang misteryosong halaman na kanina pa nila pinag mamasdan at inaamuy amoy. Habang ang rosas naman ay naka simangot at naktingin lamang.

Nakangiting nag salita ang halaman sa kanila at bumati.

"Magandang umaga sa inyo mga kapwa ko halama, ako si Sampaguitta ang bago ninyong kasama sa hardin na ito."

Masayang bumungad dito ang dalawang halamang bulaklak na sina Gumamela at Kampupot. Nakipag kamustahan ito at nakipag batiaan sa sa bagong halaman. Mabait naman itong nakipag usap sa ibang halaman na naroroon at madaling nakipag kaibigan.

Binati ni Sampaguitta si Rosas ngunit hindi sya nito kinibo at tinalikuran na lang.

"Hayaan mo na siya Sampaguitta ganyan talaga iyan. Ayaw niya ang natataasan ng iba."

Singit ni Gumamela dito. Ngumiti na lamang ito at Tumalikod na.

Malakas ang hangin ng gabing iyon. Bababla na may parating na bagyo oras na hindi ito huminto ay maaring masira ang ang ibang halaman kasama na si Rosas. Subalit hindi ito pinansin ng Rosas hindi sya nakiipon sa mga halamang naruruon upang hindi masira. Nilapitan naman ito ng Sampaguita ngunit tumanggi lamang wala ng nagawa ito kundi hayaan na lamang.

Nagtuloy ang ulan at malaks na hangin ang nag iipon ipon na halaman ay hindi nasisira habang ang Rosas ay nag iisa at unti-unting nalalagas ang mga talulot nito at dahon. Iyak na ito ng iyak. Hanggang sa hindi na nito nakayanan at humingi na ito ng tulong sa ibang halaman.

Hindi naman ito napahiya at niyakap ng malalalaking halaman.

Kinabukasan ay huminto na ang bagyo at nakit nilang si Rosas ay lagas- lagas ang dahon. Iyak ito ng iyak. Nalungkot naman ang iba para sa kanya. Wala na ang kanyang magagandang dahon at bulak-lak.

Nilapitan ito nila Gumamela at Sampaguitta. Akala ng halamang bulaklak ay lalaitin sya nito subalit nag kamali sya ng yakapin ito ng dalawa at sabay na nagsabi.

"Hayaan mo na Rosas andito lang kami mga kaibigan mo. Wag kang mag alalay babalik din ang mga nasira mong bulaklak. "

Naiyak ang rosas at nanghingi ito ng tawad sa mga halamang pinag mataasan niya. Pinatawad naman siya ng mga ito at Naging magkaibigan silang lahat sa harding iyon..

17 comments:

Anonymous said...

ang ganda
nito

Anonymous said...

nice one hope u could correct the other words mistkenly writtennnthanks a lot...my son says its nice:-)

Unknown said...

Nice story!.. kaya lang maraming errors, hope u could edit it for the better outcome.. :)

Luisa may said...

I like it looks some sweet

Anonymous said...

Yes ur correct

najane lascuña said...

napupulotan ng magandang asal..

Unknown said...

Hi full ng author please :)

Anonymous said...

its have some errors but its good

Tina said...

Sino sumulat nito

Unknown said...

maraming typos po,,but anyways ang ganda ng storya naman po. Mraming salamat!

Unknown said...

daming error pero ok lang maganda naman ang kwenti na appreciate namin yung ginagawa ni sana maka sulat kapa ng iba pang kwento kasi i Love to Read Kwentong pambata <3 <3

Unknown Youtuber said...

Magaganda ang mga kwentong ito
<<<<333333

Unknown Youtuber said...

Maganda yung mga kwento sa “
KWENTONG PAMBATA”

Anonymous said...

Sino po sumulat nito? Maganda po sya. Need ko po kasi sya and need ko isulat yung name ng author.

Kyyy said...

Sino po author nito? Need ko po kasi name niya

Anonymous said...

who's the author po?

Anonymous said...

how many years is this

Post a Comment