Tuesday, July 14, 2009

Kwentong Kutsero ni Karding

Alam nyo ba kung bakit nilalagayn ng tapolodo ang mga mata ng kabayo? Para diretso ang tingin? Tama at para hindi siya magagambala ng mga kasabay niya na nsa tagiliran niya.

Isang Kutsero si Karding, bata pa lamang siya ay ito na ang pinag kakaabalahan niya. Dito rin siya kumikita dahil ito ang itinuro sa kanya ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito. Masipag siya, mabait at magalang sa mga nagiging pasahero ng kanyang kalesa. Iyon nga lang ay may mga bagay na hindi kanais nais niyang gawain. Sa tagal na niyang Kutsero ay madami nadin ang kanyang karanasan. Na paayos niya ang pamanang kalesa ng kanyang ama. Ito kasi ang nag iisang pamana nito para sa batang kutsero noon. Ngunit sa tagal ng panahon ay nasira na rin ito. Kaya't ng kumita siya ng malaki ay pinaayos niya at piankumpuni ang nasirang kalesa.

Nakabili na rin siya ng isa pang kabayo. Matanda na rin kasi ang katuwang niya sa kanyang hanap buhay. Ang pangalan nito ay si Noning. Ang sampung taon na niyang katuwang na ibinigay naman ng kanyang ina. Ngayon ay pinag pahinga na niya ito at nakalagay na lamang sa isang kubo , kung saan din niya nilalagay si Ameng, ang kanyang bagong kabayo. Sa edad na dalawamput pito ay binata pa rin si Karding. Wala kasi siya matipuhan sa kanilang lugar. Gayunman ay ayos lang sa kanya. Mahirap daw kasi ang buhay at kailangang pagipunan muna at mag handa sa pag-aasawa.

SA tagal ng kutsero ni karding ay alam na niya ang laht ng mga bagay na maari niyang gawin upang mag karoon ng madaming pasahero . Isa na dito ang pagiging mabait sa mga tao. Maasikaso at magalang. Subalit may isa lamang na hindi kaayon ayon sa kanyang gawain. Kahit hindi naman maari ay kanyang ginagawa.

Isang turistang dayuhan ang nais sumakay sa kanyang karwahe ng araw na iyon. Maaga pa lamang kasi ay handa na siya upang mag hanap buhay. Maaga siyang gumising upang maaga din siyang makahapon sa kanyang tahanan at maagang makapag pa hinga.

"Maari bang makisakay sa iyong kutsero iho?"

Wika ng matandang babae. Sa itsura pa lamang nito ay malalaman ng hindi ito taga roon mula sa kanilang bayan. Makinis ang kutis nito, maganda ang kasuotan, at maganda ang tindig. Propesyonal ito sa kanyang paningin. May edad man ay hindi naman halata sa kanyang dating.

"Sige ho"

magalang niyang sagot sa pasahero.

"Saan ho ba tayo?"

Tanong niya sa babae.

"Nais kong dalhin mo ako sa magagandang pasyalan dito sa inyong lugar. Bago lamang ako dito at nais kong maiba ang aking paningin. "

"Naku wala hong problema."

Sambit naman ng lalaki.

Inaalayan niya itong makasakay mula sa kalesa. Maingat ang knayang ginawang paghatak sa lubid na kumokontrol sa babae. At ilang saglit pa'y lumalakd na sila.

"Marami hong magagandang lugar dito sa aming nayon"

Nakangiti niyang panimula sa Ale, habang nililingon niya ito mula sa kanyang likuran.

Ngumiti naman ito sa kanya.

"Ang ama ko ho ay dating kapitan sa pook na ito, nag simula ho akong maging kutsero ng yumao ang aking ama. "

Ano ito? Mali ang kwento ni Karding? Hindi naman na ito kataka taka, dahil isa ito sa asal na hindi na nabago simula ng siya ay naging kutsero. Marami ang nakakakilala sa kanya dahil sa kanyang mga gawa gawang kwento at walang katotohanan.

"Kilalang kilala ho ako rito. Oras na sambitin ninyo ang aking ngalan ay agad ho akong makikilala"

Dugtong pa niya.

Tuwang tuwa lamang ang kagalang galang na ale mula sa kanyang likuran habang palingon- lingon siya rito.

Tuwang-tuwa naman ang pobreng kutsero sa kanyang ginagawang kwento na ibinabahagi niya sa kanyang pasahero. Kahit walang katotohanan at kahit mali ay diretso pa rin siya sa kanyang istorya.

Ng matapos niya itong igala ay tuwang tuwa siya ng bayaran siya ng tatlong daang piso nito. Bihira lamang ang mag abot sa kanila ng ganitong halaga. Pahapon na ng siya ay bumalik sa kanyang tahanan. Matutulog na lamang siya ay iniisip pa rin niya ang kanyang susunod na kwentong kutsero na ibabahagi niya sa kanyang magiging pasahero sa darating pang mga araw.

Dahil sa kanyang gawain ay mraming kutsero ang sa kanya'y nagagalit. Subalit tinataasan na lamang niya ito ng kanyang balikat.

"Naku karding huwag kang maging imbento sa iyong mga pasahero at baka sa huli'y pag sisihin mo iyan. "

Paalala sa kanya ni Mang Kanor minsang mag kasalubong sila nito sa daan habang siya ay pauwi sa knayang tahanan.

Minsan habang siya ay nasa karinderya na paborito niyang pag kainan ay isang batang babae ang nakita niyang patawid sa malaking kalsada nila. Sa itsura nito ay nasa sampung taong gulang pa lamang ito. Pinag mamasdan niya ito sa malayo dahil nkita niyang papalapit ito sa kangyang pinupwestuhan. Hindi niya inaasahang isang kotseng puti ang rumaragasang sasagi sa bata, mabuti na lamang at naabutan pa niya itoat madali niya naiiwas sa aksidente. Kinabahan siya sa maaring mangyari sa bata

Nasagip niya ito mula sa kapahamakan, tuwang tuwa ang mga tao sa kanyang paligid. Maging siya ay masaya din . Kahit papano kasi ay naging bayani siya sa simpleng paraan lamang. May maganda rin paalng dulot ang pagiging malikot ng kanyang mga mata sa kanyang kapaigiran.

Lumaki ang kanyang mga tainga sa kanyang mga narinig, msarap ito sa pakiramdam at maginhawa ang tingin niya sa kanyang mga kapaligiran. Sinwerte naman siya sa kang pasada ng araw na iyon . Marami ang naging kita niya sa araw na iyon, iyon nga lang at hindi pa rin nag bago sa kanyang dating gawain. imbentong istorya naman ang kanyang ibinahagi sa mga pasaherong sumasakay sa kanya.



Ayon sa mga matatanda lahat ng bagay daw na ginagawa ay may katapat na bagay. Mabuti man o masama.

Isang matandang ermetanyo ang naglalakad ng araw na iyon . Papunta sa hindi alam kung saan. Aksidente naman itong madadaanan ni Karding. Nakasuot ang matanda ng sira sira at aduming kasuotan. Ang suot na sapatos nito ay butas sa ilalim at ang sumbrero nito at nangungutim sa kadumihan. Sa anyong iyon ng matanda ay nahabag ang matagal ng kutsero.

"Sakaya na ho kayo tatang, at madala ko kayo sa inyong paroroonan. "

Subalit tinignan lamang siya nito mula ulo hanggang paa. Animo'y sinusuri ang kanyang itsura.

"Ah, dadalhin ko ho kayo sa inyong tirahan."

Pag mamagandang loob niya dito. Subalit hindi niya inaasahan ang sumunod na sambit ng ermitanyo. Bumulong ito sa hangin at maya maya pa'y nanghina na lamang ang kutsero at bumagsak sa lupa. Huling nakita na lamang niya ay ang pag layo ng matanda.

Masakit ang ulo ng magising si Karding. Nakaramdam siya ng kagat ng lamok ng siya ay bumangon. Nandoon pa rin siya sa lugar kung saan siya iniwan ng matandang nais niyang pag magandahan ng loob. Inikot niya ang kanyang mga mata.

"Salamat naman at nandoon pa rin ang kanyang kabayo at ang karwahe nito. tahimik na kumakain ang kanyang kabayo. Tatayo sana siya ng mapansin niyang mabalahibo ang kanyang kamay. Dahan dahan niyang sinalata ang kanyang katawan. Mula sa kanyang mga kamay nagulat siya ng makita niyang iba na ito. Wala ang kanyang limang mga daliri, at mga kuko nito. Nagulat siya ng mpansin niyang maging ang kanyang mga paa ay katulad din ng kanyang mga kamay. Animoy nakasuot siya ng makapal na sapatos ang kulay kayumanggi niyang mabalahibong kamay ay nakalapat sa lupa. Nakaramdam ng uhaw ang binata. Malui siya tumayo. Tumayo na nakalapat ang parehas niyang mga paa sa lupa. Iinom siya sa ilog ng makita niya ang kanyang sarili. mula sa repleksyon ng tubig.

Napaatras siya at muling bumalik sa harapan ng tubig. Hindi siya maaring magkamali, hindi niya anyo ang nasa kanyang harapan. Mahaba ang mukha, may buhok sa likuran ng ulo. Mbalahibo ang kanyang katawan. Isang Kabayo. Tama isa nga itong kabayo. Naging kabayo si Karding, hindi niya alam ang kanyang gagawin. Natulala siya at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Umiiyak na siya,

"Ano ito? Anong nangyari sa katawan ko? Bakit ako naging kabayo? Huhuuh"

Tanong niya sa kanyang isipan.

Lumalalim na ang gabi. Kailangan na niyang umuwi. Nandoon pa rin ang kanyang kabayo. Tinawag niya ang kanyang alaga. Subalit walang lumalabs ng letra sa kanyang mga bibig. Tanging huni lamang ng isang hayop ang lumalabas sa kanyang bibig. Lumapit naman ito sa kanya. Patakbo pa ang ginawa nito sabay hinto ng malapit na sa kanya ang hayop.

Palakad na ang dalawang hayop ng may narining si Karding na pulotong ng isa pang kabayo. At tinig ng isang lalaki.

"Hiyyaaaaa"

Sigaw nito. Maganda ito para kay Karding ay makakatulong nrin sa kanya sa wakas. Nakita sila nito.

"Whoaa, Ano kayang ginagawa ng mga kabayong ito dito? Hindi bat kay Karding na mapangimbento ang isang hayop na ito? "

Parang nanliit si Karding sa kanyang narinig. Hindi niya kilala ang lalaki at hindi rin niya ito mukha. Kinuha ng lalaki ang lubid hintak nito ang Alaga ni Karding na kabayo. Hindi sana siya susunod dito, nanghinayang lamang siya sa kanyang alaga.

Binigyan sila Karding ng pag kain. Tubig at silungan. Subalit hindi siya kumakain ng damo, wala siyang nagawa kundi ang tiisin na lamang ang gutom para sa gabing iyon. Tinitignan lamang siya ng ng ibang hayop na naroroon at tahimik na kumakain. Sa laki kasi ng lugar na kanilang pinuntahan kay daming hayop din ang naninirahan doon.

"Kumain kana."

Kinagulat na gumising sa kabayong si Karding. Walang tao na naroroon tanging mga kabayo, baka , kalabaw at ibang hayop lamang ang tangi niyang mga kasama. Si Ameng pala ang nag salita.

"Paano kang nakapag salita!?"

Gulat niyang tanong.

"Hindi ako nag sasalita nag kakaintindihan lamang tayo sapagkat isa ka n ring kabayo"

" Tao pa rin ako . Malungkot niyang wika. "

Pumunta sa sulok ang dating kutsero at tumalikod na lamang dito.

"Nagalit sa iyo ang matandang ermitanyo"

Kwento ni Ameng.

"Mahilig ka kasing gumawa ng kwento na hindi naman totoo. "

Napag isip si Karding. Hindi niya inaakala na may mga taong nagagalit din pala sa kanyang gawain. Nakaramdam siya ng panghihina sa sarili. Ni ayaw niyang mag pahinga ng gabing iyon. Madaling araw na ng maipikit ni Karding ang kanyang mga mata. Umaasa siya na sa kanyang pag dilat ng mata kinabukasan ay babalik na siya sa normal.

Maaga ring nagising si KArding, masaya niyang iminulat ang kanyang mga mata. Umaasang paniginip lamang ang lahat. Ngunit bigo siya sa kanyang isipin. Nalungkot siya at bumalik sa pag kakahiga. Labis na nalungkot si Karding sa nangyari sa kanya. HIndi niya ninais na ma- aaring mag ka ganon ang mangyayari sa kanyang pag ka tao. Inisip niya ang lahat ng kanyang ginawa. Lahat ng ginawa niyang pag iimbeno at pag sisinungaling sa mga tao.

Umiiyak si Karding habang nag lalakad papunta sa Farm na pagpapastulan sa kanila. Sinusundan niya ang mga kabayong nasa kanyang harapan, habang nasa likuran naman niya si Ameng.

"Naku Karding hayaan mo na mgiging msaya ka rin kahit na ikaw ay isang kabayo. Tignan mo kami masaya kami kahit mga alaga lang kami. Tulad mo noong ako ay inaalagaan mo dati. "

Kahit papano ay nabawasan ang kanyang pag-kalungkot. Nag karoon kasi siya ng katuwang sa kanyang problema. Hindi niya inaakala na ang kanyang alaga ay siya rin pala niyang magiging kaibigan.

Sa katagalan ay nakasanayan na rin ni Karding ang kanyang pagiging isang Kabayo. Natuto siyang kumain ng mga damo darak at ibat-ibang pag kain ng isang hayop. Nilagyan na rin siya ng tatak ng taong nakapulot sa kanilang dalawa ni Ameng ang dati niyang alaga. Katunayan na pag mamay-ari na sila.

Lumipas pa ang mga araw , linggo , buwan at panahon. Hindi pa rin nag babago at bumabalik sa dati si Karding. At nawala na rin sa isipan niya ang pagiging isang tao. Para sa kanya ay natural na sa kanya ang pagiging isang kabayo.

Minsan habang sila ay nag lalakad ay nakita niya ang isang pamilyar na mukha. Nakasout ito ng smaduming kasuotan, butas na sapatos at maduming sumbrero. Ito ng ang ermitanyong bumulong sa hangin at nag pahina ng kanyang katawan. Dali-dali niya itong hinabol at hinarang. Wari niya'y nakikilala siya nito, at natatandaan. Tumingin ito sa kanya at tumawa.

"Ikaw pala iyan Karding. Natutuwa ako at nakikilala mo pa pala ako. "

Gusto niya itong sigawan, subalit tanging huni na lamang ng isang kabayo ang lumalabas sa kanyang tinig.

"Huwag kang magalit Karding. Binigyan lamang kita ng leksyon. Sana ay naging aral sa iyo ang nangyaring ito. "

Napagisip ang Kabayo.

"Huwag kang mag-alala at ibabalik na kita sa iyong dating pag ka tao. Subalit hindi na maari ang iyong gawain lagi kitang babantayan sa lahat ng iyong gawain. "

Natuwa si Karding sa narinig. Pangako niya sa sarili na hindi na niya uulitin ang kanyang pag iimbento ng kwento, . Maya-maya pa'y nag laho ang matanda, kasunod nito'y ang pag iiba ng kanyang anyo, Kasunod ay ang bagong Kutsero na nasa tabi niya na may nakapangalangang KARDING sa likuran nito. Nandoon rin si Ameng nakasuot ito ng bakal na tumatakip sa gilid ng mga mata nito. (Tapalodo ang tawag dito.)
Reblog this post [with Zemanta]Nag pasalamat si Karding sa matanda kahit wala na ito sa kanyang paningin. Nakabalik na nga siya. Tuwang tuwa siyang lumapit kay Ameng at niyakap niya ito. Masayang masaya sila at nag sisisi sa lahat ng ginawa niyang panloloko sa tao.

Bumalik na sa normal ang lahat, nakabalik na siya sa kanyang trabaho. Binago na niya ang kanyang gawain, at mag mula noon ay hindi na gumwa ng Kwentong Kutsero si Karding.


ARAL: Maging totoo at huwag mag imbento.

4 comments:

Anonymous said...

ANG HABA

Anonymous said...

Edi ishortcut

Rawr said...

Eh ayoko eh. Fuck off

Anonymous said...

Project ko to eh kailangan

Post a Comment