Sunday, July 12, 2009

Si Mila At Ang Nuno

Nag-lalaro si Mila sa bakuran ng kanilang bahay isang hapon na iyon. Kahit mag-isa lamang siya at walang kalaro masaya pa rin siya. Wala kasi siyang kapatid na pwede nyang makalaro at makasaya. Subalit sabi ng kanyang ina ay hindi na siya mag kakaroon ng kapatid dahil wala na siyang ama. Ang ama niya ay pumanaw noong siya ay sanggol pa lamang. Inatake daw ito ng mabangis na hayop kaya hindi na niya ito naabutan ng siya ay lumalaki na.

Tanging ang mga halaman at hayop na alaga nila ang mga nakakalaro niya araw-araw. Araw-araw din ay nag umaalis ang kanyang ina para magtrbaho sa bayan. Tanging siya lamang ang naiiwan na mag-isa sa kanilang bahay para mag bantay at mag asikaso dito. Nakatira sila sa gitna ng kabundukan, madalang ang mga bahay pati na rin ang mga tao na naninirahan doon.

"Mila anak, huwag na huwag kang lalabas ng ating bakuran kapag umaalis ako. At huwag kang pupunta sa mataas na bahagi ng kabundukan marami kasing hayop na mababangis ang nandoon at baka saktan ka nila."

Laging paalala ng kanyang ina bago ito umalis. Ng hapong habang siya ay nakaupo sa harap ay isang maliit na boses ang kanyang narinig galing sa mga halaman na nasa harapan niya. Dahil sa murang isip niya, hinanap niya ang maliit na boses na nag salita at tumawag sa pangalan niya. Hinawi niya ang mga halaman na nandoon at nagsimulang igala ang kanyang paningin. Bigala siyang napaatras ng bumungad sa kanya ang isang maliit na taong kasinlaki lamang ng kanyang hintuturong daliri sa kamay. Naksuot ito ng kulay pulang maliit na damit, maliit na kulang itim na sapatos, at maliit na sumbrerong matulis sa dulo na kulay pula din.

"Wag kang matakot. Ako si Berto"

Wika ng maliit na nilalang sa kanyang harapan.

"Ako ay matagal ng nag babantay sa iyo dito, lgi kita pinapanuod habang ikaw ay nag lalaro. "

Dugtong pa nito.

Imbis na matakot ang bata. Ay hinarap nya pa ito. Inuri niya na parang tumitingin ng isang di kilalang maliit na bagay.

"Ako si Mila. sampung taong gulang."

"Kilala na kita. Matagal na kitang kilala. Subalit ako ngayon mo lang ako nakilala, dahil ngayon lang ako nagpakita sa iyo. Ako ay isang nuno. Naawa kasi ako sa iyo. Wala kang kalaro. Nais ko sanang makipag laro sa iyo."

Nakangiting wika ng nuno.

"Sabi ng nanay ko wag daw akong makipag usap sa mga estranghero. Baka daw kasi mapahamak ako kung hindi ko kilala ang tao."

"Subalit hindi naman ako isang estranghero. Matagal na kitang kakilala. Kahit ako ay ngayon mo lamang nakilala. "

Naglaro ang bata kasama ang nuno. Tuwang-tuwa siya habang ang maliit na tao ay nag ku-kwento sa kanya ng mga nakakatawang bagay, Nagtatalon talon ito sa harapan niya at umaarteng gaya ng isang artista sa entablado. Natapos ang araw na iyon ni Mila na masaya, nag karoon siya ng bagong kaibigan at kalaro. Ilang saglit pa'y dumating na ang kanyang ina, sinalubong niya ito at sabay humalik sa kamay. Ganoon lamang ang kanilang buhay sa araw-araw ng dumadaan sa kanila.

Kinabukasan ay maagang nagising ang ina ni Mila para mag-luto ng kanilang agahan sa umagang iyon. Maaga kasing aalis ito paara mag punta sa bayan at maghanap buhay muli. Ginising na nito si Mila at sabay na silang kumain sa hapag. Ilang saglit pay nag paalam na ito sa kanya at lumakad na. Maya-maya'y sumulpot si Berto sa kanyang harapan. Nakangiti ito at nakatingin sa kanya.

"Kamusta ka Mila. ? Halika't bilisan mong kumain. Maglaro na tayo sa labasan. "

"Naku mag lilinis pa ako ng bahay, binilin nya kasi iyon sa akin. Bago daw ako mag-laro, huwag ko daw kakalimutan ang binilin nya. "

"Naku! Mamaya kana mag linis. Dapat ang ginagawa mo ay nag lalaro lamang. Maglaro ng maglaro.!"

Sambit ng nuno sa kanya.

"Halika na Mila. Bahala ka mamaya aalis na ako at wala kang makakalaro. Pupunta ako sa taas ng bundok para duon mag-hanap ng ibang kalaro. "

Sa pagpupumilit'y napapayag din nito ang bata. Hangggang sa mawaglit na dito ang mga bilin ng kanyang ina. Naglaro sila ng naglaro . Tuwang-tuwa si Mila, hanggang mag salita ang nuno sa kanya.

"Halika Mila sumama ka sa akin."

Anyaya nito.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa lugar namin. Duon tayo mag lalaro maraming pwedeng laruin doon. Marami pa tayong makakalaro."

"Naku hindi pwede. Huwag daw akong aalis sa kulob namin sabi ni inay sakin. "

"Sandali lamang naman iyom. Bababalik din tayo. "

"Baka kasi magalit ang inay ko at pagalitan ako."

"Naku hindi naman natin sasabihin. Huwag kang mag alala. Masaya sa amin. Walang kaungkutan. "

Sinundan ni Mila ang nuno. Sa likod ng kanilang tahanan ay may isang punso .

"Paano tayo makakapasok diyan? Wala namang lagusan ?

Tanong ni mila.

"Yumuko ka at ilagay mo ako sa iyong mga palad. Sabay tayong papasok sa loob at sabay tayong papasok doon." Sabay turo sa punso.

Nakapasok na sila sa loob isang madilim na daanan at kakaibang amoy ang nalanghap ng bata. Hanggang isang liwanag ang kanyang naaninag.

Parang isang kweba na may tumutulong tubig sa itaas na galing sa hamog, at maliliit na nilalang ang nabungaran ni Mila. Lahat ay kasing laki ni Berto. Nakaitim na kasuotan ang iba at ang iba naman ay naka pula. Natakot si Mila ng tumingin sa kanya ang mga ito..

"Tinitignan nila ako Berto. Ang sasama ng tingin nila sa akin."

Lumayo ang katabing nuno ng bata Humalo ito sa mga kauri nitong mga nuno. Tinignan din siya nito at tumawa ng malakas.

Lalong natakot ang bata. Tatakbo sana ito sa palayo sa mga ito subalit bigla siyang napaupo, tumama kasi ang kanyang paa sa batong nasa paanan niya.

"Hindi kana makakaalis dito!" Sigaw ng maliit na boses na katabi ni Berto.

"Dito ka na lamang habang buhay." Dugtong pa ng isa doon.

Umiyak na ang bata.

"Gusto ko ng umuwi sa amin."

Iyak niya.

Tumawa ng tumawa ang mga nuno, Akmang lalapit na ang isa na may dalang manipis na animoy sinulid. Ng biglang marinig ni Mila ang boses ng kanyang ina.

Pagabi na nga pala noon at umuwi na ang kanyang ina. Subalit hindi siya nito makikita.

Huminto sa pag lapit ang nuno. Sabay nito ang pag sigaw ng malakas ni Mila.

"Inay huhuh. Tulungan ninyo ako!"

Mula sa labas ng punso narinig iyon ng ina ni Mila.

"Anak nasan ka!"

"Nandidito po ako sa loob ng punso! Tulungan ninyo ako sasaktan nila ako!"

Nataranta ang nanay ng batang babae. Maya-maya pa'y nawala na ang boses ng ina ni Mila. Lalong umiyak ang bata. Mula sa ilalim ay itinali ng nuno ang paa ng bata.

"Niloko mo ako Berto. Sabi mo kaibigan kita pero hindi mo ako tinutulungan makaligtas dito! huhuhu! Gusto ko ng umuwi sa amin. "

Iyak niya

"HAHAHA! Hindi kana makakauwi iniwan kana ng ina mo! "

"Hindi totoo iyan.! Babalikan nya ako huhuhu!"

Tuwang tuwa ang mailiit na nilalang habang ang batang si Mila ay iyak ng iyak.

Isang boses ang narinig ng lahat mula sa itaas ng punso ang nakapg pagimbal sa lahat ng nuno. Isa kasi sambit ang isinasagawa nito. Para silang sinaksaktan sa bawat salita na kanilang naririnig. Ilang saglit pa'y nawalan ng malay ang bata. Hindi na niya alam ang mga sumunod na pangyayari.

Nagising si Mila sa sa kanlungan ng kanyang ina, sa tabi nito ay si Mang Tino ang kilalang albularyo sa kanilang lugar. Ito pala ang tumulong sa kanya mula sa punso. Yumakap siya sa kanyang ina.

"Hindi ko na po uulitin ina. Hindi na ako sasama sa hindi ko kakilala. Susundin ko na ulit ang bil;in ninyo sa akin."

Niyakap siya nito at nagpasalamat sa matandang tumulong sa kanila.

At mag mula noon hindi na nag pakita ang maliit na nilalang sa kanya. Lumipat na rin ng bahay sila Mila sa bayan kung saan nakatira ang kanyang lola. Ito na ang mag babanaty sa kanya habang wala ang kanyang ina.



ARAL: Huwag sasama sa hindi masyadong kakilala, at sumunod sa magulang..

0 comments:

Post a Comment