Sunday, July 12, 2009

Ang Kwento Ng Pagong At Pusa

Isa itong kwento na kailanman ay hindi maaring mangyari kahit sa tao man. Ang lathalang ito ay mula sa pinapalawak kong isip at pag-likha sa pamamagitan ng pag-sulat.

Masaya ang buhay ng bawat hayop na nakatira sa gubat na hindi pa napupuntahan ng kahit sinong tao. Malaya sila sa kanilang mga nais gawin at mga nais na mangyari sa kanilang mga buhay. Masagana sa pang araw araw ,magkakasundo ang bawat isa sa pamamalakad ng kanilang hari na si Haring Leon. Si Leon ang pinakamataas na na uri ng hayop na naninirahan sa kagubatang iyon. Sumunod naman ay si Kwago ang pinakamatalinong hayop na kanang kamay ng Leon, siya ang may nakakaalam ng lahat ng pasikot sikot sa gubat. Lahat ng gawain ng bawat hayop at pati ang mga tao na hindi pa nakikita ng ibang mga haop ay nalalaman nya din . Bawat araw na lumilipas sa gubat na iyon ay ang pag usbong din ng mga hayop upang maging mag-kaisa at mag tulungan sa bawat pakikitungo nila.

Ang mga ibon, mga hayop sa lupa at mga hayop tubig ay nag kakaisang nag-bibigayan para mabuhay. Kabilang na dito sina Pagong at Pusa. Hindi sila magkatulad at hindi rin sila magka-uri. Hindi rin sila magka-kilala at hindi rin maaring mag sama..

Masayang naglalakad ang pusa ng umagang iyon, parating kasi ang kapatid nya galing sa pangunguha ng pag kain. Maligaya itong nag-aabang sa tabi ng kanilang tahanan, habang pinapanuod ang mga batang aso na nag-lalaro malayo sa kanya. Nilapitan siya ng Babaeng aso at kinausap.

" Kamusta kana"

Nakangiting bungad nito ng batiin siya.

"Halika doon tayo sa lilim ng punong akasya, mag kwentuhan tayo habang hinihintay mo ang iyong kapatid. Masarap ang hangin doon , tanaw ang buong tanawin."

Anyaya nito sa kanya.

Ngumiti siya dito at saka nag salita.

"Salamat sa anyaya. Halika at dumoon tayo."

Mula doon ay nag lakad sila papunta sa puno ng akasya, masaya silang nag usap at nagkwentuhan.
Maya-maya pa'y lumapit na sa kanila ang dalawang tuta at nag lambing sa inahing aso. Saka naman ito dinilaan ng ina upang linisin ang katawan ng dalawa. Tuwang tuwa ang Pusa sa ganoong eksena ng mag iinang aso.

Pagabi na noon kaya nag aya na ang Pusa na bumalik na sa kanilang mga tahanan, Saglit pa'y dumating na ang amahing Aso at ang kapatid ng pusa. Inabutan ng dalawang lalaki ang dalawang babae na papasok na sa kanilang mga tahanan.

"Kapatid ko!"

Tawag ng pusa sa kanyang kapatid na babae.

Lumingon ang pusa at ngumiti ito .

"Kamusta kuya. Marami kabang nahuling isda ngayon?"

Masaya nitong wika sa kapatid.

"Ayus lang naman. Sapat na para sa isang linggo nating pag kain. Gusto sana kitang yayain sa susunod na panghuhuli ko para matulungan mo ako."

Sagot ng kanyang kapatid.

"Sige ba, hindi ba sinabi ko na sayo dati na gusto kong sumama sa iyo upang matulungan kita sa pangingisda mo, para sa pagkain natin?"

"Oo, subalit ayoko sana na tulungan mo ako kasi baka mahirapan ka. Binilin ka kasi sakin ni inay bago siya pumanaw, na alagaan daw kita at wag pababayaan."

"Kasama mo naman ako kuya eh. Mababantayan mo naman ako kasi mag kasama naman tayong nanghuhuli na pag kain natin."

"Hayaan mo't sa susunod na linggo'y isasama kita."

Ilang saglit pa'y sabay na naghapunan ang dalawa.

Bata pa ang mag-kapatid na pusa ng pumanaw ang kanilang mga magulang. Nabaril kasi ito ng isang mangangaso sa dati nilang tinitirahang gubat na ngayon ay isa ng syudad. Sa tulong ng Kwago dinala sila sa gubat na iyon at doon na nabuhay hanggang sa makayanan na nilang tumayo sa kanilang mga paa.

Mula pag kabata hanggang sa pag-tanda ay magkasama na ang dalawang pusa hindi sila nag-iiwanan. Lagi silang magkasundo sa kahat ng mga bagay na nais nila.

Kinabukasan maagang nagising ang mga hayop. Kaarawan kasi iyon ng kanilang hari na si Haring Leon, ang humahawak sa kanilang kagubatan, ito rin ang nag-babantay sa gubat upang protektahan ito.

"Magandang umaga aso."

Bati ng Lalaking pusa sa Amahing aso.

"Malaking selebrasyon ngayon ang magaganap sa ating kagubatan. Kaarawan kasi ng ating Hari."

"Oo. At mamayan kasama kong pupunta ang mag-iina ko papunta sa gitna ng kagubatan. Maarin kayong sumabay sa amin kung nais ninyo"

Sambit ni Aso.

"Salamat , Yamo't sasabihin ko sa aking kapatid upang mag kakasama tayo pag-dalo. "

Pasasalamat naman ng Pusa.

Malaking kasiyahan ang ka-arawan ng haring Leon. Sari-saring hayop ang dumalo, mga hayop na lumilipad at gumagapang. Sa kabila nama'y mga hayop na lumalangoy . Kabilang na dito ang Pagong at ang kanyang pamilya. Masaya ang lahat na nag kukwentuhan at nag tatawanan. Ang pusa ay nag lalakad sa tabi ng ilog upang uminom ng tubig. Ng hindi inaasahan isang ingay ang umalingaw-ngaw sa langit dahilang upang mataranta ang lahat. Nagtakbuhan, nagtulakan at isang dahilan upang matulak ang pusa at malag-lag sa tubig. Nakita iyon ng Pagong dahil sa kupad nitong kumilos naiwan na sya ng ibang hayop na lumangoy. Naging dahilan pa iyon upang masagip ang pusa mula sa pag kakalunod nito.

Sinagip ng Pagong ang Pusa dinala niya ito sa tabi upang alisin sa tubig. Maya pa'y kinagat ng lalaking pusa ang leeg ng kanyang kapatid upang itakbo. Hindi na nakuhang magpasalamat ng babaeng Pusa.

Sa tahana'y takot na takot ang bawat hayop. Walang lumalabas na baka'y marinig muli nila ang ingay na narinig nila. Natakot ang lahat. Nasira ang kasiyahan at kaarawan ng hari nilang si Leon.

Araw na ng panghuhuli ng pag kain nila. Sumama ang babaeng Pusa sa kapatid niya, kasama din nila ang mag-asawang aso at kanilang mga anak. Sabay sabay silang nanguha ng kanilang pag kain. Nagkwentuhan at kumain . At habang umiinom ang babaeng Pusa isang mukha ang kanyang naaninag. Ang hayop nga na nag ligtas sa kanya. Si Pagong!

Natulala siya at di nakapag salita, hanggang s amauna na itong bumati sa kanya.

"Kamusta kana?"

Tanong nito. Simula sa pag kakatitig nama'y parang natauhan ang Pusa.

"A-ayo-s lang ako. Sa-salam-at nga pala sa pagliligtas mo sa a-akin."

Pautal utal na kibo ng pusa. Nakatingin sa kanya ang Pagong habang nakangiti ito. Para namang napahiya ang Pusa kaya tumalikod ito.

"Ako nga pala si Pagong. "

Pakilala nito.

"Ikaw?"

Tanong nito sa kanya. Hinarapan nya ito at magalang na nagpakilala .

"Ako si Pusa. Dito kaba nakatira?"

Sagot naman nito na may halong tanong din.

"Oo, kasama ng ibang mga hayop na lumalangoy din. "

Nag-usap pa ang dalawanhanggang sa hindi na nila namalayan ang oras. Oras na para umuwi. Inaya na ng Lalaking Pusa ang kanyang kapatid.

"Uuwi na ako. Ikaw din. "

Masayang pag papa-alam ng Pusa sa Pagong.

"Sige, sa susunod naman.'

Sagot nito.

Katulad kanina. Sabay-sabay na umuwi ang mga Pusa at Aso. Sabay sabay na nakarating sa kanilang mga tahanan. Sa isang sulok naman ng Utak ng pusa ay ang saya sa pag kaka-kilala nya sa isang bagong kaibigan.

Naging mahina na ang ilog na pinaghuhulihan nila ng isda nababalita kasing may mga taong nakapasok sa gubat. Nakita iyon ng Kwago minsan. Nakita daw ito ng Kwago na kumukuha ng mga isda sa ilog at ibang mga hayop. Naging mdalas tuloy ang pag punta ng Pusa at Aso sa ilog.

Araw-araw na rin ang naging pag kikita at pag uusap nina Pagong at Pusa. Masaya siya sa tuwing makikita niya ito. Hindi niya maipaliwanag na sarili kung bakit. Ganito din ang naging pakiramdam ng Pagong sa Pusa. Hindi nabubuo ang kanilang mga araw kung hindi nila makikita ang bawat isa. Araw-araw sabay silang kumakain. Minsan nag-lalaro sila at nag hahabulan. Naguunahan sila na makarating sa batong nakagitna sa ilog. Tumatakbo ang Pusa at lumalangoy naman ng mabilis ang pagong. Unti-unti nilang nararamdaman ang bawat sarili nila tuwing sila ay nag kakaharp. Hanggang umamin ang Pagong sa Pusa ng minsan sersyoso silang nag uusap tungkol sa kanilang mga karanasan.

"Hindi ko alam kung ano ito. Galing ito dito. Sabay turo ng Pagong kung saan nakalagay ang tumitibok niyang puso. "

Nadam naman iyon ng Pusa.

"Hindi ko rin malaman ang ganitong pakiramdam. Masaya ako tuwing kasama kita. Malungkot naman ako kung hindi kita nakikita. "

Seryosong pag-amin nito.

Tanghali na ng lumabas ang pusa mula sa kanilang tahanan, umuulan kasi ng araw na iyon. Hindi makalabas ang magkapatid na pusa at ang mag aswang hayop. Mabuti na lamang at may natira oa siang pag kain na nkuha nila sa tulog ni Pagong. Palukso luksong patakbo ang ginawa niya upang lumipat sa bahay ng mga Aso. May nais lang kasing itanong ang Pusa sa inahin g aso, tungkol iyon sa nararamdaman niya mula sa kanyang saloobin. Pakiramdam niya'y mag kakasakkit saiya oras na hindi niya ito nailabas mula sa isang nakakaalam.

"Napasugod ka Pusa."

Bigkas ng inahin.

"May nais lamang kasi akong itanong sa iyo, kung iyong mamarapatin.

"Halika't tumuloy ka. Magpatuyo ka ng iyong balahibo't baka sipunin ka."

Pag mamagandang loob ng inahing aso sa kanya.

"Anu ba ang atin? "

Panimula nito sa kanya.

Parang nahihiya namang mag salita ito dito. Wari niya'y parang dapat nalang niya itong itago.

"Huwag ka ng mahiya sa akin. Kaibigan mo ako't hindi ka dapt mag-alangan."

Nakangiti naman nitong banggit sa kanya.

"Ahm, kasi ano.,"

Namumulang panimula ng Dalagang pusa.

"Nag tataka lamang ako kung bakit sa tuwing kasama ko si Pgong may nararamdaman akong kakaiba mula sa aking dib dib. "

Imbis na payuhan ay tumawa ang Aso at tumingin ito sa kanya na sobrang saya at hindi maintindihang ibig sabihin.

"Kasi nag mamahal kana."

"Anu yon?"

Tanong niya dito.

"Iyon ang nadarama namin ng asawa ko. Masaya kami kasi parehas naming nraramdaman yon. Pero ang sa iyo. Nagkibit balikat na lamang ang Aso at hindi na kumibo. "

Hindi nakapunta sa ilog ang Pusa ng boung araw na iyon. Hindi kasi siya makalabs dahil sa sama ng panahon. Subalit na gulat na lamang siya ng makita nyang may nag lalakad na papunta sa kanya. Habang siya ay nakatanod sa pintuan ng kanilang tirahan. Hindi siya nag kakamali . Si Pagong nga iyon. Papunta sa kanya. Palapit iypon ng palapit sa kanya. Kasabay naman ang magkahalong tuwa at pananabik. Kabog sa dibdib at ligaya.

"Kamusta ka?"

Masaya nitong bati sa kanya. Nakangiti ito ng sobra. Ganito din naman ang bungad nya dito nakangiti rin siya dito.

"Mabuti naman. Ikaw kamusta kana? Halika. Pumasok ka. "

Anyaya niya dito sa loob ng kanilang tahanan.

"Naku hindi na . Kinamusta lamang kita. Nalungkot kasi ako at hindi ka makapunta sa ilog ngayon,"

"Masama kasi ang lagay ng panahon. Pasensya kana ha?"

"Ayos lang, masaya na ako't nakita kita. "

Masayang dugtong pa nito.

Sa ganitong paraan lalong napalapit ang loob ni Pusa sa Pagong. Pakiramdam niya ay lalong siyang nahuhulog dito at hindi na niya ito makontrol.

Isang araw masayang nag uusap ang Dalawang hayo sina Pagong at Pusa, Hindi nila namalayan ang pag mamasid ng pangalawa sa pinakamataas ng hayop sa gubat. Si Kwago! Nakadapo pala ito sa isang puno kung saan kitang kita ang bawat hayop na nasa ilog at nasa tabi nito.

Nagulat ang lahat sa nabalitaan nila. Nakarating ito sa ibang mga hayop. Sa mataas na hayop. Maging kay Haring Leon ay nakarating na rin ito. Ipinag babawal sa batas ng Kagubatan ang pag- patol sa hindi mag- kauring hayop kapag napatunayan ito. Maaring paalisin at palayasin siya sa gubat . Oras na mag kasala. Hindi iyon maganda sa pandinig ng kapatid ng lalaking Pusa. Kapatid nya kasi mismo ang usap usapan sa buong kagubatan. Pag kadatin na pagkadating nito'y isang kalmot ang tumama sa mukha ng babaeng pusa. Napasimangot ito sa sakit.

"Alam mong bawal na bawal ang pakikipag mabutihan sa hindi natin kauring hayop. At maari kang mapaalis oras na malaman ito at napatunayan. !"

Pasigaw na wika ng Lalaking Pusa.

Hindi na nakakibo ang babaeng Pusa sa halip ay tumalikod ito at humiga na lang sa isang sulok.

Masama ang loob ni Pusa. Kinagabihay. Dali-dali syang pumunta sa ilog upang hanapin si Pagong. Subalit hindi niya inaasahan ang makikita niya. Si haring Leon ang nandoon. Nakita siya nito. Akmang tatakbo siya palayo ng harangin siya nito.

"Saan ka pupunta Pusa?"

Malaking boses na tanong nito. Nanginig ang katawan ni Pusa at sumagot.

"Dadalawin ko lamang poa ng kaibigan kong si Pagong. "

"Simula ngayon ay hindi kana maaring mag-punta at sumilip sa ilog na ito. Oras na maulit pa ito'y paalisin ko kayong dalawa mula sa kagubatan na ito.'

Nalungkot ang Pusa at Pagong sa pangyayaring iyon. Hindi nila iyon inaashan na mangyayari. At iyon ang isa sa mga kinatatakutan nila sa kanilang biuhay.

Subalit hindi sila sumuko. Sa isang liblib na lugar ng kagubatang iyon ay palihim muling nag kikita ang dalawa. Kahit na mahirap para kay pagong iyon dahil sa uri ng kanyang pagkilos ay kinakaya niya para lamang makita niya ang pinaka mamahal niyang Pusa. Doon ay tahimik silang nag kikita at palihim na nag uusap. Tanging ang inahing aso lamang ang naging katuwang ni pusa para sa pagkikita nila. Naiintindihan kasi ito ng aso. Kahit na bawala at kahit na hindi maaari at makakabuti sa kanila. Ninais pa rin nito, sapag kat alam niya ang nag mamahal.

"Ayokong mawala ka sa akin Pagong."

"Ayoko din mawala ka sakin pusa. Mahal na mahal kita't hindi ko makakaya oras na mawala ka sakin. "

Minsang pag uusap nila sa pag tatagpo nilang iyon.

Kahit sa ganoong paraan lamang ay masaya pa rin sila. Kahit na lihim ito ,hindi pa rin sila nag papadaig sa iba. Pinapakinggan pa rin nila ang tibok ng knailang mga puso at damdamin. Nahihirapan ma'y patuloy pa rin sila. Dahil iyon sa sobrang pag mamahal na nanaig sa knailang mga damdamin. Umiiyak na lamang ang Pusa tuwing maaalala niya ang knailang napakahirap na sitwasyon .Tangi si Pagong na lamang ang knayang nagiging lakas para mag patuloy ang kanilang pag mamahalan sa isa't-isa.
Nagpatuloy ito ng nagpatuloy. Lalong lumalim asila sa isat isa. Kahit na minsan hindi na nila kinakaya basta't iniisip lamang nila ang kanilang minamahal ay lumalakas pa rin sila. Subalit hindi parin talaga maari ang kanilang mga nais.

Minsan ng minsang magkikita ang dalawa sa knailang tagpuan ay sinundan ang Pusa ng kanyang nakatatandang kaptid. Bawat kilos nito ay hindi pinlampas. Hangaang sa makarating ito sa kanilang tagpuan. Dali-dali namang tinwag ng Pusa ang Leon. Ilang saglit pa'y nanduon na rin ang pagong ngunit. Nahuli sila. Nakita ng pagong na nakagitna sa dalawa ang pusa. Bigla na lamang syang dinakma ng leon. Dali naman siyang pumasok sa kanyang proteksyon upang hindi masaktan.

"Ito na ang huling pag kikita nyo dahil ikaw Paging. Ay hahatulan na makulong. Hindi na kita papapalisin sa kagubatang ito dahil hiling iyon ng pusang lalaki. Kapalit noon ay pag ka bilanggo at ang pagf puputol ninyo ng ugnayan ng pusang ito."

Nakakatakot na sabi ni leon. Sabay alis habang kagat kagat ang Pagong. Iniwan ng lalaking Pusa ang knayang kapatid. Ginawa niya iyon para lamang ma- protektahan ang kanyang nakababatang kapatid mula sa pag papalayas sa kagubatang kanilang tinutuluyan. Mahirap mag hanap ng tahanan. Katulad ng nagyari sa kanila bago sila mapunta sa lugar na ito.

Tumulo na lamang ang luha ng dalaga at umiyak na lamang ito ng umiyak.

Pag- uwi'y hindi nag deretso sa bahay ang babaing Pusa sa halip ay pumunta ito sa bahay ng aso.Upang makipag usap sa inahing aso. Umiiyak siya habang nag sasaad ng mga nangyari ng sandaling iyon. Malungkot ang Aso para dito. Naiintindihan niya ang nasa saloobin niya. Alam niyang mahirap talaga ang kanilang sitwasyon subalit nauunawaan din naman nito ang nakakatandang kapatid. Nalala tuloy ng Inahing Aso ang nangyari noon. Ang katulad ng pagmamahalan ni Pagong at Pusa. Noong siya ay bata pa lamang at wala pang masyadong alam.

Nagmamahalan din sina Ibong Maya at Dagang . Madalas kasi itong mag kasama sa pangunguha ng pag kain at pamamasyal sa gubat. Nalaman din iyon ng mataas na antas ng hayop. Sina Leon at Kwago. Pinaalis nila si Daga subalit sinundan ito ng Ibong Maya. Ang huling balita nila noon ay namatay ang daga dahil sa gutom sa labas g gubat at napatay naman si Ibong Maya dahil sa isang taong naghuhuli ng mga hayop sa gubat.

Ayaw iyon mangayari ng kapatid ni Pusa sa kanya kaya gnaun na lamang ang pag protekta nito dito. Lumipas ang marmaing araw. Walang maisip na paraan ang dalawa hanggang sa maisipan ng Pusa na pumuslit at makita man lang si Pagong sa kulungan ng haring Leon.

Maraming nakabantay sa labas. Sari-saring hayop iyon. Nandoon din si kwago at si Haring Leon. Katabi nila ang Ibong Loro na tahimik na nag mamasid at gumagala ang paningin. Isa ito sa pinaka kinatatakutan nilang banaty dahil kakaiba ito sa lahat ng hayop. Kumuha ng tyempo ang pusa para makalusot sa mga nag babantay n mga hayop doon. Inabot siya ng mahabang oras subalit hindi siya napgod sa kahihintay. Hanggang sa dumilim. Unti-unting nawawala ang mga bantay na hayop. Nababawasan na ang mga ito. At hanggang sa makatulog na ang Loro. Nawala na rina ng hari dahil ito ay bumalik na sa kanyang tahanan , maging ang Kwago ay ganun din. Nakapasok ang Pusa. Dahil sa tahimik niyang pag lalakad at magaang kilos ay napasok niya ang kulungan.

Hayun nakita na niya Ang pinakamamahal niyang Pagong. Matahimik niya itong tinawag.Tuwang tuwa naman itong lalapit na kanya. Niyap niya ang Pagong sa sobrang pag ka sabik. Umiyak siya. Hindi niya makontrol ang sarili sa harapan ng Pagong. Ganun din ang Pagong. Malungkot na may halong tuwa ang kanilang nadadama . Malungko dahil ang hirap ng lagay nila. Masaya sapagkat muli silang nagkita.
Patago pa rin ang ginawa nila upang hindi mahalata ang pag puntang iyon ng pusa. Ligtas naman itong nakalabas at nakabalik sa kanyang tahanan. Masaya itong ibinalita ni Pusa sa Inahing Aso. Masaya naman ito sa nalaman. Naging kakampi na rin niya ito at naging kunsinti para lamang sa kanya. Inilahad niyakung paano siya nakapsok at nakalabas sa kulungan. Sa wakas ay mababawasan na rin ang kanyang pag aalala sa kanyang minamahal na hayop. Kahit saang anggulo tignan ay sadyang mahirap. Mali na kung mali sa paningin ng iba. Subalit, prara sa dalawang nilalang na nag mamahalan .Hindi na iisipin ang mali at tama mahalaga ayang kaligayahan sa piling ng isa't isa. Maipakita lamang na mahal talaga nila ang nagpapakumpleto sa sandali ng buhay nila.

Mula sa labas ay nakatanaw ang pusa mula sa tanawin na makikita malapit sa kanilang tahanan. Tahimik ito at nag-iisip ng malayo sa kuryosidad. Hindi na niya namalayan na nasa tabi na pala niya ang kanyang nakatatandang kapatid . Katabi na pala niya ito't pinakikiramdaman lamang siya.

"Mahal kita kapatid ko"

Iyon ang bumasag sa oag iisip ng dalagang pusa ng mga sandaling iyon.

"Ayaw ko lamang na ikaw ay mapahamak. Kaya ginagawa ko ang mga bagay na iyon. "

Dugtong pa nito. Samantalang siya ay tahimik lamang na nakikinig at nakitingin sa malayo.

"Ikaw na lamaang ang nag-iisang kayaman ko sa mundo. Kaya nais kong maging mabuti ang lagay mo sa lahat ng oras."

Bigla na lamang tumulo ang luha ng kuya niya at napatingin siya dito.

"Hindi ko kakayanin kung pati ikaw mawawala pa sa piling ko. Hindi ko na kakayanin pa kung pati ikaw kukunin nila sa akin. Wala na tayong magulang . Ikaw na lang nag papalakas sa akin. Ayoko ng mawawala kapa."

Sabay talikod ito sa kanya. Hahabulin sana niya ito, ngunit na huli siya nakalyo na ito dahil mabilis na itong tumakbo. Naiwan siyang nag-iisa doon at naguguluhan. Naguguluhan siya dahil mahal niya ang kuya nya ayaw niyang mawalay dito, subalit ayaw din niyang mawalay sa kanyang pinakamamahal na pagong.

Wala na siyang nagawa kundi hintayin na lamang ang pag uwi ng kanyang nakatatandang kuya . Hindi kasi niya alam kung saan ito nag punta at anung oras babalik. Ngunit pahapon na'y wala pa rin ito. Inisip tuloy niyangsundan ito at hanapin kung saan man ito naroroon. Lumabas ang pusa para hanapin ang kanyang kuya . Pinuntahan niya ang madalas nitong puntahan ang puno ng nara na nasa gawing gilid ng kagubatan. Subalit wala ito doon. Pinuntahan niya sa kaibigan nitong kalapati. Subalit bigo pa rin ito. Wala pa rin ito doon. Wala siyang nagawa kundi ang umuwi na lang at bumalik sa kanilang tahanan.

Habang nag lalakad siya pauwi ay hindi niya maiwasan ang mata na tumingin sa mga hayop na nakamsid sa kanya. Animo'y inuuri siya nito at minamaliit. Nakayukong nag lalakad ang pusa at sabay patakbong nag madali. Pag dating niya sa bahay ay inabutan na niya ang kanyang kuya. Tahimik lamang ito at hindi kumikibo.

"Kuya pasensya kana. Hindi ko lamang makontrol ang bugso ng damdamin ko. Mahal ko si Pagong , alam kong bawal subalit hindi ko siya kayang mawala sa akin. "

Pag-uuna niya dito.
"Naiintindihan kita kapatid ko kaya nga hinayaan kita ng patago kang pumunta sa kulungan ng mga nag kasala sa kagubatan."

Nagulat siya dito at niyakap niya ang kuya niya. Nauunwaan siya nito. Umiyak siya ng umiyak. Niyakap siya ng kuya niya.

"Patawarin mo ako kuya. "

Nasa ganoong sitwasyon sila ng biglang may narinig silang mga pag putok. Maingay, nakakatakot nakakagimbala sa lahat.nagulat ang mag kapatid. Napalabs sila pati na rin ang mag asawang aso. Nakita nila ang isang grupo na may dalang mga liwanag papunta sa kagitnaan ng kagubatan kung saan naroroon ang kanayang pinakamamahal na pagong! Bigla siyang nakarmdam ng panganib. Naalarma naman ang lahat ng hayop na naroroon lahat sila ay natakot.

Mabilis na tinungo ng Pusa ang gitna ng kagubatan . Hindi na siya nag paalam pa sa kanyang nakatatandang kapatid. Alam niyang hindi siya nito papayagan. Subalit nagulat siya ng nasa likuran pala niya ito at sumusunod sa kanya. Ikinagulat niya iyon. Sa kabila nito ay masaya siya. Dahil sa ginagawa ng kanyang kapatid na lalaki.

Nakarating sila sa gitna ng kagubatan. Walang ng masyadong hayop na naroroon. Maging ang Leon Kwago Loro at ibang matataas na antas ng hayop ay wala na rin. Tanging naiwan ay ang mga nakabilanggong hayop kasama na si Pagong. Dali-daling nag punta ang mag-kapatid na Pusa sa kinalalagyan ng pagong . Itatakwa nila ito upang hindi mapahamak. Hindi nila alma ang kanilang gagawin. Palapit na ng palapit ang mga nilalang na may dalang maliwanag na bagay at maiingay sa pag lalakad. Sa wakas nakatakas na ang tatlo subalit nagulat sila ng masulubong nila ang isang tao! May hawak itong apoy at sa kabilang kamay nito ay mag nakahawak ng parang isang matigas na bagay. Wala silang ideya kung anu iyon. Patakas silang tumalon. Si Pagong naman ay marahang nag lakad. Dahil madilim hindi siya masyadon kita, hindi katulad ng mga kapatid na Pusa na puting puti ang mga balahibo.

Tumalon ang magakapatid subalit.biglang tumunog ang hawak ng tao sa kanyang kamay. Malakas ang tunog niyon. Nakakabingi, nakakatakot. Naalarma ang Pusa. Napalingon siya, dahil nakita niyang bumasak ang kaniyang kapatid. Ang kapatid niyang babae, bumagsak! Babalikan sana iyon ng lalaking Pusa subalit. Akmang sasaktan siya ng tao nakatalon naman na ito. Ilang oras pa ang lumipas. Nakita pala ng pagong ang mga pangyayari. Nilapitan niya ang pusa. Naghihingalo na itong subalit nakuha pang magsalita.

"Ma-ha-l n-a mah-al ki-ta Pa-g-ong"

Pa-putolputol nitong salita sa pagong Habang iyak naman ng iyak ang pagong. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa pinakamamahal niyang pusa. Tanging alam lamang niya ay nasasktan ito at nahihirapan.

"Wag kang bibitaw mahal na mahal kita , huhuhuh!."

"Pa-ki sabi- sa ku-ya k-o maha-l k-o sy-a."

Pumikit na ang Pusa at hindi na nakapg salita. Pinipilit itong gisingin ng Pagong subalit hindi na ito gumagalaw. Wala na siyang nagawa kundi umiyak na lamang at yakapin ang pinakamamahal niya.

Dumating ang umaga hindi umaalis ang pagong sa tabi ng pusa. Dumating ang kapatid nito. Lumapit ito sa nakakababatang kapatid at niyakap ito. Malamig na ang kanyang katawan. Hinidi na ito humihinga at hindi na rin ito kumikibo. Tanging bakas na lamang ng dugo ang makikita dito. Napahagul-gol na lang ang nakatatandang pusa. Naawa siya at nag sisisi sa sinapit ng kaniyang kapatid. Habang ang Pagong naman ay malungkot at hindi na lang matanggap ang nangyari sa kanilang minamahal...

0 comments:

Post a Comment