Wednesday, June 24, 2009

Ang Mayabang na Rosas

Sa isang malaking hardin ay may mga nag gagandahang halaman at mga bulaklak. Nabibiliang dito si Rosas na Ubod ng yabang, dahil sa kanyang kagandahan at aking kayabangan ay marami ang sa kanya ay naiinis. Lalo na si Gumamela at ang kapwa bulaklak nito na si Kampupot. Sila Rosas ay matagal ng Nakatanim sa hardin na kasbayan nyang itinanim sina Kapupot at Gumamela. Noon una ay hindi naman sya ganon kaarte at kayabang, ng kumapal ang kanyang mga dahon at nag karoon siya ng mga bulaklak ay nag bago na ang ugali nito at naging mapag mataas na sa ibang kapwa nya bulaklak. Lalo pa't naging pansinin siya ng kanilang tagapag alaga dahil sa kanyang mapupungay na bulaklak.

"Ang ganda ko talaga lalo na kapag ako ay nababasa ng tubig. "

Misang sambit ni Rosas isang umaga matapos silang diligan ng kanilang taga pag alaga.

"Ang yabang mo talaga!"

Paangil naman na sagot ni Gumamela.

"Kung hindi ka lang namin kauring bulaklak baka pinakain ko na ang mga dahon mo sa kaibigan naming uod!"

Maasim naman na singit ni kampupot.

"Inggit lang kayo dahil ako ang pinakamaganda sa inyo. Hmp!"

Pag mamataas pa ni Rosas sa kanila.

Hindi na lamang kumikibo ang ibang mga halaman na naroroon dahil alam nilang mayabang talaga si Rosas, kaya wala itong kaibigang halaman na pumupuri sa kanya.

Minsan isang Paru-paro ang lilipad lipad sa hardin na iyon. Lumapit ito kay Gumamela para sumipsip ng nectar sa bulak-lak nito. Masayang binigyan ito ng halaman.

"Sige lang Paru0-paro sumipsip ka lang para sa iyong pag kain."

Nakangiting wika ni Gumamela.

Sumunod naman ay nilapitan nito si Kampupot na Masayang pinag mamasdan ang lilipad lipad na Paru-paro. Uminom din ito ng Nectar sa iba pang halamang may bulaklak na nandoon sa hardin na iyon. Matapos ay huli nitong pinuntahan ang Rosas. Ng dadapo na ito sa kanyang Tangkay ay biglang sumigaw ang Rosas.

"Ih! Huwag mo nga akong lapitan! At wag kang lalapit sa mga bulaklak ko! Baka masira ang mga talulot nito at pumanget pa ako! Subukan mo lamang at hahampasin kita ng aking mga tinik!"

Ang pagsigaw ng Rosas ay hinid kina tuwa ng Paro-paro. Nag-salita ito at tinitigan sya nito.

"Ang arte mo! Hindi mag tatagal ay malalagas ang mga dahon at bulaklak mo. Mauubos lahat hanggang sa alisin kna ng tagapag alaga mo dito. Hmp!"

Napahiyang iniwan ng Paru-paro ang mayabang na Rosas. Habang sa paligid niya ay nag bubulungan at nag tatawanan ang mga halamang naroroon. Dahil sa pag ka pahiya ng Rosas ay hindi na lamang ito kumibo at tinignan ng matalim ang kanyang kauring halaman. Sabay talikod sa mga ito.

Tuwing hapon ay binibisita sila ng kanilang tagapag-alaga upang alisan ng mga natutuyong dahon sa kanila. Araw araw ay nililinis ang kanilang paligid at sinisinghap singhap nito ang kanilang mga amoy. Dahil sa walang amoy si gumamela ay hindi na ito nilalapitang masyado ng kanilang tagapagalaga. Laging si Kampupot at Rosas lamang ang tinatanuran nito at hinahalikan sa mga bulaklak. Subalit ng hapong iyon ay nag-taka ang mga halaman ng hindi dumating ang kanilang tagapag alaga. At nagulat sila ng may mga lalaking nag punta roon na may dalang malaking paso na nakasupot ng kulay brown na plastic. Takang taka ang mga halaman kung bakit mayroong nagpasok sa kanilang hardin noon. Napaisip tuloy si Rosas at nag-salita.

"Hmm. Alam ko yan isa iyang malaking lalagyan para sa akin. Ilalagay nila ako dyan para hindi ako masira.Ang swerte ko talaga, haha!"

Sabay tawang may halong pangi-inggit sa mga halamang naroon.

Pinag taasan na lamang ito ng sanga at dahon ng iba pag naroroon sabay talikod sa kanya.

Kinabukasan nagising sa pag kakahimbing ang mga nakatanim na halaman sa harding iyon dahil sa pag ka bangong halimuyak na kanilang naamoy. Nuon lang sila nakaamoy ng ganuong halimuyak na hindi nakakasawang amoy katulad ng kay Rosas na lagi nyang ibinibida. Maging ang halamang Rosas ay nagtaka sa amoy na iyon. Hindi nya alam kung saan nanggagaling ang kakaibang halimuyak na hindi naman sa kanya nag mula. Sinundan ni rosas ang amoy kung saan nanggagaling iyon. At nagulat siya ng makita nya ang bagong halaman na naroroon na may puting puting bulalak, at maliliit na talulot ang bumungad sa kanya. Iyon pala ang tinatakpan ng
kulay brown na plastic na nasa malaking paso kahapon ng dalhin ng mga tao iyon sa hardin.

Hindi naka imik ang Rosas ,nakita nyang nakatingin sa kanya ang ibang halaman na naroroon na nakangiti sa kanyang may halong insulto.

Nagising na ang misteryosong halaman na kanina pa nila pinag mamasdan at inaamuy amoy. Habang ang rosas naman ay naka simangot at naktingin lamang.

Nakangiting nag salita ang halaman sa kanila at bumati.

"Magandang umaga sa inyo mga kapwa ko halama, ako si Sampaguitta ang bago ninyong kasama sa hardin na ito."

Masayang bumungad dito ang dalawang halamang bulaklak na sina Gumamela at Kampupot. Nakipag kamustahan ito at nakipag batiaan sa sa bagong halaman. Mabait naman itong nakipag usap sa ibang halaman na naroroon at madaling nakipag kaibigan.

Binati ni Sampaguitta si Rosas ngunit hindi sya nito kinibo at tinalikuran na lang.

"Hayaan mo na siya Sampaguitta ganyan talaga iyan. Ayaw niya ang natataasan ng iba."

Singit ni Gumamela dito. Ngumiti na lamang ito at Tumalikod na.

Malakas ang hangin ng gabing iyon. Bababla na may parating na bagyo oras na hindi ito huminto ay maaring masira ang ang ibang halaman kasama na si Rosas. Subalit hindi ito pinansin ng Rosas hindi sya nakiipon sa mga halamang naruruon upang hindi masira. Nilapitan naman ito ng Sampaguita ngunit tumanggi lamang wala ng nagawa ito kundi hayaan na lamang.

Nagtuloy ang ulan at malaks na hangin ang nag iipon ipon na halaman ay hindi nasisira habang ang Rosas ay nag iisa at unti-unting nalalagas ang mga talulot nito at dahon. Iyak na ito ng iyak. Hanggang sa hindi na nito nakayanan at humingi na ito ng tulong sa ibang halaman.

Hindi naman ito napahiya at niyakap ng malalalaking halaman.

Kinabukasan ay huminto na ang bagyo at nakit nilang si Rosas ay lagas- lagas ang dahon. Iyak ito ng iyak. Nalungkot naman ang iba para sa kanya. Wala na ang kanyang magagandang dahon at bulak-lak.

Nilapitan ito nila Gumamela at Sampaguitta. Akala ng halamang bulaklak ay lalaitin sya nito subalit nag kamali sya ng yakapin ito ng dalawa at sabay na nagsabi.

"Hayaan mo na Rosas andito lang kami mga kaibigan mo. Wag kang mag alalay babalik din ang mga nasira mong bulaklak. "

Naiyak ang rosas at nanghingi ito ng tawad sa mga halamang pinag mataasan niya. Pinatawad naman siya ng mga ito at Naging magkaibigan silang lahat sa harding iyon..

Monday, June 22, 2009

Ang Pangit Na Si Mhona

Si Mhona ay isang batang mag aaral na may kakaibang itsura. Siya ang tapunan ng tuksuhan sa klase nila simula ng siya ay mag aral. Sya din ang pinaka-maliit sa kanilang klase. Labing isang gulang na si Mhona subalit ang kanyang tangkad ay katulad lamang ng isang walong taong bata.

Ulila na siya at ang kanyang mabait at matiyagang tyahen lamang niya ang nag a-alaga at nag aaruga sa kanya. Madalas umuuwi si mhona sa kanilang bahay na umiiyak at malungkot. Subalit

"Mhona, hayaan mo na sila kahit ganyan ka ikaw pa rin ang nag iisang anak ko at pamangkin. Makikita mo balang araw titingalain ka din nila" ganito ang laging sinasabi ng kanyang naging nanay-nanayan.

Nasa ika- anim na baitang na siya. Matataas ang kanyang marka at hindi rin nya pinapabayaan ang kanyan g pag aaral. Kahit na wala siyang kaibigan masaya pa rin sya pag nakakapag basa sya ng mga aklat. Ito na ang naging libangan ni Mhona simula pa lang.

Bukas, na ang araw ng kanilang pag tatapos sa elementarya . Masayang masaya ang tiyahin ni Mhona syempre siya ang nakuhang balidektoryan ng kanilang skwelahan.

"Tignan mo Mhona ikaw ang pinakamatalinong estudyante sa paaralan nyo." Wika ng tiya nya.

"Salamat po tiya" Nakangiting tugon nito.

Isang araw habang nag lalakad ang batag si Mhona nakasalubong niya ang kanyang dating mga kamag aral. Binati siya nito at niyaya.

"Mhona gusto mo bang sumama sa amin? " Tanong ng salabahe nyang kaklase na si Cherry.

"Saan naman tayu pupunta?" Patanong na sambit din nito.

"Sa ilog mag lalaro tayo at maliligo"

"Hindi ba marumi ang tubig doon?"

Dahil sa kagustuhan na rin ni Mhona na makasama ang ibang batang tulad nya, dali dali siyang sumama sa mga ito at hindi na nag paalam sa kanyang tita.

Pag-dating nila doon. Walang pasa-pasabi ng itulak sya ng kanyang dating kamag aral na si Cherry at ng ibang bata pa na kasama nito sa maruming ilog. Mabuti na lamang at mababaw ang ilog na pinag tulakan sa kanya.

Iyak ng iyak si Mhona, habang tawa naman ng tawa ang mga salbaheng bata na gumawa sa kanya niyon.

Umuuwi siyang basa ng basa at bahing ng bahing. Nag aalalang lumapit sa kanya ang kanyang tiya at tinanong siya nito.

"Anong bang nangyari sayong bata ka?"

"Tinulak po ako ni Cherry sa ilog kaya po sinipon ako huhu.." umiiyak niyang sagot.

Binihisan siya nito at inamo. Pinakain at pinainom ng gamot ng matapos.

Naulit pa ng naulit ang mga ginagawa ni Cherry kay Mhona hanggang isang araw.Isang lalaki ang sumusunod kay Cherry na nais siyang gawan ng masama. Nakita ito ni Mhona at natakot siya na baka anong mangyari kay cherry. Dali dali siyang tumawag ng pulis at nag sumbong ito. Sinundan
niya si Cherry at nagulat siya ng makita nya na ang lalaki ay sinasaktan ang dati niyang kamag aral. Hinuli ng pulis ang lalaki at yumakap si Cherry kay mhona at nagpapasalamat ito ng malaki sa kanya.

Simula noon hindi na sya inaway nito at naging matalik pa nya itong kaibigan.

Sunday, June 21, 2009

Pepe

Sa isang bayan ng Bataan ay maroon mag-asawang hindi biniyayaan ng kahit isang anak. Matagal ng mag kasama sa buhay si Mang Kanor at Aling Pining. Lagi silang nangangarap na magkaroon sila ng kahit na isang anak na lalaki. Magsasaka ang trabahao ni Mang Kanor at si Aling Pining naman ay isang taong bahay lamang. Araw araw nyang pinag sisilbihan si Mang kanor tuwing uuwi ito. Masaya ang dalawa kahit payak ang kanilang buhay. Hindi sila nag hahanap ng kahit na anung bagay dahil kontneto na sila sa kanilang sitwasyon. Pero minsan hindi maiwasang dalawa na mag-salita.

"Mas masaya siguro tayo kung mag kakaroon tayo ng isang supling." Nakangiting may halong lungkot na wika ni Mang Kanor.

Isang araw habang tahimik na nag lalaba si Aling pining sa ilog, ay isang napakaling pakwan ang nakita nyang inaagos patungo sa kanyang pinag pupwestuhan. Nagulat ito ng makarating ito sa kanya. Hindi normal ang laki ng pakwan na nasa harapan nya ngayon. Dali-dali nya itong kinuha at inuwi sa kanilang kubo. Kinahapunan masaya niya itong binalita sa kanyang asawa na si Mang Kanor. Magka-halong tuwa at pagkasabik ang kanilang paghiwa sa malaking pakwan ng hapon na iyon. Subalit nagulat sila ng bigla itong gumalaw mag isa at parang nabibiyak sa gitna.

Tumambad sa kanilang harapan ang isang sanggol. Sanggol na galing sa malaking pakwan na nakuha ni Aling Pinig ng sya ay nag-lalaba sa ilog. Natuwa ang mag asawa sa kanilang nakita. Agad nila itong kinuha at binihisan.

"Kay gawpong bata naman nito Kanor" Sambit ni Aling Pining sa asawa habang nakatitig sya sa malusog na bata.

"Hindi kaya't ito na ang sagot ng Panginoon sa ating hiling?" Tanong ni Kanor.

"Oo tama ka." Masayang tugon ni Aling Pining. "Pepe ang ipapangalan natin sa kanya." Dugtong pa nito.


Lmaki ng mabuting bata si pepe,. Naging katuwang ng mag-asawa ito sa kanilang pamumuhay. Subalit hindi normal ang pagiging isang bata nya. Taglay niya ang isang katangi tanging lakas na kahit sinu man ay hindi magkakaroon. Ganun man magalang ito at masunurin sa kanyang mga nakagisnang mga magulang, hindi nya ito binibigyan ng sakit ng ulo at problema.

Lalong naging kuntento sa buhay ang mag-asawang Pinig at Kanor. Wala na silang mahihiling pa na kahit ano.Masaya sila dahil kahit hindi nila tunay na anak si Pepe, isa itong perpektong bata at mahal na mahal nila ito.

Minsan hindi inaasahang sakuna ang paparating sa kanilang lugar. Isang malakas na buhawi ang parating. Alalang alala ang mag asawa sa sitwasyong iyon. Alam nilang masisira ang kanilang mga pananim at madadamay ang kanilang mga alagang hayop sa bukid. Palapit na ito ng palapit. Ang kanilang munting kubo ay masisira sa oras na lumapit ang buhawing palapit.

Nagulat ang mag-aswa ng biglang tumakbo palabas ng bahay ang kanilang anak na si Pepe. Hinabol ito ni Mang kanor at sa likuran nya si Aling Pining.

"Anak! Wag kang lumapit dyan delikado, huhuhu!!" Umiiyak na sigaw ng Ale. Subalit parang walang narinig ang malapit ng si Pepe. Susundan sana ito ni Mang Kanor subalit hindi niya kinaya ang malakas na hangin. Nakita nila si Pepe na pilit hinaharang ang malakas na buhawi at pilit itong tinataboy sa kanilang kinalalagyan. Nag-liparan ang mga nabunot na puno at dali daling hinakag ni Mang Kanor ang kanyang may bahay papasok sa kanilang tahanan.

Huminto ang malakas na hangin. Naging payapa na ulit sa labas ng kanilang bahay. Wala na rin ang malaking buhawi. Subalit kasabay rin nitong nawala ang kanilang anak na si Pepe. Iyak ng iyak ang mag-asawa. Hindi na nila nakita pang muli ang kanilang anak ,tanging ala-ala na lamang nito ang naiwan sa kanila.

Subalit kahit papano ay naging masaya sila dahil naranasan nila ang mag karoon ng anak. Kahit nawala man ito sa piling nila, nag papasalamat pa rin sila dahil pinahiram sila nito ng anak. :)

Ang Mayabang na Hipon

Sama-samang naglalaro ang mga batang isda sa ilalim ng tubig ng umagang iyon. Naglulukso-lukso, nag iikot-ikot at ang iba naman ay nag kukwentuhan. Msayang masaya ang mga batang lamang dagat.Ng biglang dumating si Mayabang na Hipon, Naghintuan ang mga bata at animo'y mga takot na takot.

"Ayan na si Hipon umuwi na tayo, guguluhin lang nyan ang ginagawa nating pag lalaro." Sabi ng isang Maliit na Dilis.

"Naku oo nga halinat baka awayin pa tayu nyan." Sabat naman ng batang karpa.

Narinig iyon ng Mayabang na Hipon at nag salita.

"Anung pinag uusapan ninyo dyan ha?!" Pasigaw nitong wika.

"Naku wala uuwi na kami" Sabay na sabi ng dalawa.

Araw araw nag lalaro ang mga batang lamang dagat sa kanilang lugar. At araw araw din nang gugulo ang kaaway nilang si Hipon.

Isang araw habang lumalangoy si Batang Bangus ay bigla na lamang syang tinusok ni Hipon.

"Hahaha humaharang ka kasi sa dinaraanan ko ayan ang bagay sayo!." Wika nito sabay alis.

Naiwan nlang ang Bnagus na umiiyak.

"Wala na talagang ibang ginawa si Hipon kundi ang manakit ng mga kapwa nya bata." Sambit ng inay na bangus ng magsumbong ito dito.

"Hayaan mo anak , wala naman syang kaibigan na katulad mo , madming nakikipag laro sayo. Hindi tulad nya." Paamong pag sabi ng inang bangus sa kanyang anak.

Lumipas ang mga araw at ni isa walang walang ginawang mabuti si Hipon sa kanyang kapwa mga bata. Nasa palaruan ang mga ito ng may biglang mangingisda ang nag hagis ng lambat. Mabilis na nag sipag langoy ang mga isda upang hndi sila tamaan nito. Subalit hindi umalis ang Hipon kundi nagmayabang pa ito.

"Haha!" Tawang malakas ng Mayabang na Hipon "Kaya kong sirain ang lambat na ito sa pamamagitan ng aking mga panusok!" Dugtong niya.

"Umalis kana dyan Hipon. Hindi mo masisira ang lambat na iyan, matibay yan at hindi nasisira!" Nag aalalang sabi ng isang batang isda na nakalayo sa lambat.

Subalit hindi pa rin nag paawat ang Mayabang na Hipon pinipilit nyang sirain ang lambat. Hanggang sa tumaas na ito. At nag sisigaw na ang bata.

"Tulungan nyo ako! Tulungan nyo ako." Pag mamakaawa ng Hipon.Pinilit nyang makalabas mula roon, subalit wala na syang nagawa.

Nalungkot ang mga isda ng hindi na nila makita ang Hipon, dahil sa pag alis ng mangingisda. Wala silang nagawa kundi ang panuorin nalang kung panu ito nawala.

Naging aral ito sa ibang mga batang isda na nais gayahin ang pagiging mayabang ni hipon. Sa ngayon hindi na alam kung bakit hindi na nakabalik ang Mayabang na Hipon sa kanilang lugar sa ilalim ng dagat.